Aplikante ng GM Beneco, idaan sa naaalinsunod sa batas ang proseso
Baguio City – (August 9, 2021) – Kamakailan lamang noong Ika-4 ng Agosto ay muling nagpadala ng isang sulat ang kinatawan ng Beneco mula sa Beneco Emplyoees Labor Union (BELU) at Beneco Supervisors Association(BSA) sa Board of Administrators ng National Electrification Administration (NEA) na kung saan ay may mga isyu na nais iparating at bigyan ng pansin ang mga katanungan batay sa mga paghaharap noong una.
Nakasaad sa liham ay ang mga sumusunod;
“1. NEA IDD Director Nollie Alamillo has officially on record bared before the legislative inquiry in aid of legislation of the Sangguniang Panlungsod of Baguio City on May 19, 2021 that one of the applicants to the position of GM has not submitted proof of one of the minimum requirements for the position – the five (5) year managerial experience of a successful distribution utility pursuant to NEA Memorandum No. 2017-035,”
“2. The same manifestation was broadcasted by Director Nollie Alamillo during the legislative inquiry in aid of legislation held by the Committee on Energy of the House of Representative on June 2, 2021.”
“3. We also learned that in a Memorandum for the Administrator dated February 1, 2021, the UP College of Psychology said that Atty Rafael was not recommended for appointment as GM,”
“4. We also learned that based on the results of the EQ, IQ, and Essay Examination of the two applicants, Engr. Licoben was way ahead in the following categories: IQ and Initial Interview. Engr. Licoben garnered a score of 96.30% while Atty. Rafael obtained 87.83%.”
Ang NEA BOARD ay ganap na naunawaan ng mga resulta. Ang NEA BOARD ay lumahok din sa pagtatanong sa kongreso.
Ngunit bakit nagpasya pa rin ang NEA BOA na magpatuloy sa final interview ni Atty. Rafael?
Nang sinabi ng NEA IDD na hindi nagsumite si Atty Rafael ng katibayan ng five (5) year managerial experience in a successful distribution utility, why did the NEA application? nang sinabi ng UP na hindi siya nirerekomenda na maging GM, bakit pa siya naindorso ng NEA BOA na maging GM ng BENECO?
Malungkot kami. nais naming malaman ang mga kasagutan bilang miyembro ng mga consumer at empleyado ng BENECO. Ang aming karapatang malaman ay batay sa karapatan sa impormasyong pampubliko na ginagarantiyahan ng ating 1987 Constitution, the Ease of Doing Business Act (RA 11032) at ang Code of Conduct and Ethical Standards para sa Public Officials and Employees (RA6713).
Ayon naman sa panayam kay Beneco corporate lawyer Delmar Carino, “Maalaala noong nakakuha sila ng favorable opinion ang OGC na kung saan ay inaprobahan ng NEA BOA na si Atty Rafael ang pinaboran na maging GM, ngunit hanggang ngayon ay hinihintay pa rin namin ang pormal na order, inunahan na naman kami whatever order gawin namin sa korte, syempre yun order uli na yun ang masusunod, kung meron man ibibigay sa BOD namin, so, hihintayin din namin ang sasabihin ng board, kung sinabi ng Board na give up na, wala na kami, pero kung yun nag reject nung una 7 out of 11 ay yun pa rin ang magiging stand nila, maganda ang magiging kalalabasan nito sana , pero we are exploring our legal means, anytime ay darating na ang desisyon, ngunit ang malungkot ay tinimbrehan na kami na iyon pa rin ang magiging desisyon nila,” pagtatapos ni Cariño. Mario Oclaman / FNS