“ADIVAY” 121st Foundation Day para sa matatag at mas malusog na Benguet, umunlad sa gitna ng kahirapan – YAP
La Trinidad, Benguet – Pinangunahan nina Benguet Caretaker Congressman Eric Yap at Benguet Governor Melchor Diclas ang sayaw na Tayaw na tradisyon ng Ibaloy para sa pagpapahayag ng kapistahan pagsasama-sama at pagsasaya,” Ang Adivay ay isang agri-tourism festival na nakatuon sa muling pagtuklas sa mayamang kasaysayan, kultura, sining, kalakalan at industriya ng Benguet. Ito ay na-konsepto upang tipunin ang 13 munisipalidad ng Benguet upang ibahagi ang kanilang mga kultural na paniniwala at gawi at tumutok sa mga produkto ng bawat bayan.
Sa mensahe ni Yap, ay nakapokus ito sa tema ngayong taon, “Resilient and HEALTHIER Benguet – Flourishing in the Midst of Adversity.”
“Nasa gitna man tayo ng mga pagsubok dahil sa patuloy na paglaganap ng pandemiya ay higit na kailangan natin ang pag-iingat, hindi ko pababayaan ang bawat isa sa mga kababayan ko sa Benguet, kaya nagpapatuloy ako mabigyan ng libreng gamot, serbisyo na maipagamot sa hospital ang mga may karamdaman upang makarecover tayo at maiwasan natin tumaas ang kaso ng COVID-19, nasa pagkakaisa pa rin natin na nagtutulungan ang pag-angat at pag-unlad ng Benguet,”
Ginanap ang simpleng selebrasyon na naghandog ng limang native pig sa isang bagong tayo na Benguet Sports Complex, Wangal, La Trinidad, Benguet noong November 23, 2021. Mario Oclaman / FNS