Kasaysayan, Pamana at Kultura, Pambansang Pagsasanay sa Dekolonisasyon para sa Likas Kayang Kauswagan
Llanera, Nueva, Ecija – Idinaos ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Philippine Cultural Education (PCEP) ang National Training on History, Heritage and Culture: Decolonization for Sustainable Development sa Llanera evacuation center kamakailan, Mayo 21 at 22.

Naglahad si Jonathan Balsamo tungkol sa danas nila sa Lungsod ng Valenzuela at bilang guro sa turismo at kalinangan, “Paano ituro ang History? Dominance of National Narrative sa unang araw, Huwebes (May 21). Sumunod, tinalakay ni John Ray Ramos mula sa Ateneo de Manila University ang Intangible Heritage: rote memorization vs. critical thinking, political constraints, at chilling effects. At panghuli, binahagi ni Dr. Rommel Espejo ng Nueva Ecija University of Science and Technology ang paksa tungkol sa Sustainable Development Goal: NO to marginalization of local/minority voices.
Samantala, sa pangalawang araw, Biyernes (Mayo 22), ay nagbigay ng panayam ang pambansang alagad ng sining, Dr. Virgilio Almario, ng kaniyang mahigit sa 20 taon na pagdidiskurso ng Decolonization for Sustainable Development: Influence of Foreign Culture in teaching local history. Pinamagatang “Reklamasyon, Rekuperasyon at Rekonstruksyon ng pambansang gunita” ang lektura ng pambansang alagad ng sining.
Naging mabunga ang talakayan at palitan ng ideya sa pagpapadaloy ni Dr. Jan Mesana ng National University at iskolar ng cultural education at heritage studies. Nagbigay rin ng rationale at panlahatang oryentasyon ang NCCA PCEP Director, Dr. Joseph Cristobal. Gayundin, nagbigay ng bating pantanggap ang punong-bayan ng Llanera, maging ang provincial administrator at tourism officer ng Nueva Ecija. #
