Bantay Kultura, Pagtabok at History, Heritage & Culture handog ng PCEP ngayong Buwan ng Pamana
Manila, Philippines โ Tampok ang mga gawain ngayong Buwan ng Pamana ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) sa pamamagitan ng Philippine Cultural Education Program (PCEP) at pakikipag-ugnayan sa NCCA National Committee on Cultural Education sa ilalim ng Sub-Commission on Cultural Dissemination. Ang Pagtabok sa Cebu noong Abril 28 at 29 sa Cebu, ang Bantay Kultura noong May 9ย sa Manila at History, Heritage & Culture sa darating na May 21 at 22 sa Nueva Ecija.
Kamakailan ang idinaos ang Pagtabok: Doing and undoing knowledge production in the spaces of culture, arts, and education sa SPED center ng Cebu Normal University. Ang nabanggit na pagsasanay ay may temang: Decolonization and Decoloniality: culture-based approaches, methods and theories in Knowledge production, pedagogy and practice para sa mga local faculty ng partner university na mayroong Graduate Diploma in Cultural Education at Graduate Diploma in Teaching Arts.
Samantala, ang Bantay Kultura: national tooling and recognition of cultural education scholars and faculty ay idinaos noong Mayo 9 sa Metropolitan Theater kasama ang pambansang alagad ng sining na si Virgilio Almario at Senadora Loren Legarda. Binigyang-parangal ang mga nagtapos ng GDCE at GDTA simula noong 2010, maging ang mga naging guro at accredited faculty nito, maging ang mga natapos sa MA Arts Management at PhD in Cultural Education. Nagbigay din ng panayam sina Dr. Jovy Peregrino ng NCCA NCCCEd, Xiao Chua, kasama ang mga National Association of Cultural Educators and Scholars ng Luzon at Visayas.
Bilang pagpapatuloy, ang National Training for Local Government Units on History, Heritage & Culture: Decolonization for Sustainable Development sa Mayo 21 at 22 sa Llanera Evacuation Center sa Nueva Ecija. Bukas sa mga taga-Lokal na pamahalaan, lokal na historyador, cultural workers, tourist offices, guro at policymakers.
Ang NCCA ang nangangasiwa ng National Endowment Fund for Culture and Arts at nagbibigay ng mga teknikal na tulong at mga grant. Ang PCEP ay edukasyong sangay ng NCCA kaugnay ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Lalong mahalaga ang kultura, lalo na sa usapin ng reframed general education sa mga kolehiyo, maging sa pamantasan, at pagbabago sa strengthened curriculum sa basic education. #
