๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ซ๐ž๐›๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌรฌ, ๐ˆ๐งรญ, ๐š๐ญ ๐Ž๐ง๐กรก๐ง, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง

๐–๐จ๐ซ๐ค๐ฌ๐ก๐จ๐ฉ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ ๐ซ๐ž๐›๐ข๐ฌ๐š ๐ง๐  ๐Ž๐ซ๐ญ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ข๐ฒ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌรฌ, ๐ˆ๐งรญ, ๐š๐ญ ๐Ž๐ง๐กรก๐ง, ๐Œ๐š๐ญ๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ ๐ง๐š ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ฌ๐š ๐‘๐จ๐ฆ๐›๐ฅ๐จ๐ง

Matagumpay na isinagawa noong 21โ€“23 Abril 2026 sa Brgy. Lanas, San Jose, Romblon ang workshop sa pagrebisa ng mga ortograpiya ng mga wikang Asรฌ, Inรญ, at Onhรกn.

Dinaluhan ang gawain ng mga gurong manunulat mula sa ibaโ€™t ibang bayan at isla ng lalawigan na kumakatawan sa tatlong wika. Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng Department of Education Romblon sa pangunguna ni Dr. Jordan D. Solatorio, IPEd Focal Person ng lalawigan, katuwang ang mga mananaliksik mula sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sina Jose Evie G. Duclay, Rolien Mark M. Balisi, at Christian DS. Nayles.

Nagpahayag din ng buong suporta ang Pamahalaang Bayan ng San Jose, Romblon sa pamamagitan ng mensahe na kinilala ang kahalagahan ng inisyatiba sa pagpapanatili at pagpapayabong ng mga lokal na wika bilang bahagi ng kultura at pagkakakilanlan ng komunidad. Isa itong mahalagang hakbang sa pagpapaunlad at estandardisasyon ng mga katutubong wika sa lalawigan ng Romblon.

Sa loob ng tatlong araw na workshop, ginabayan ng mga mananaliksik ang mga kalahok sa masusing pagtukoy ng mga katutubong tunog ng kani-kanilang wika at sa pagbuo ng mga tuntunin ng ortograpiya na angkop sa sistematikong pagsulat. Layunin nitong matiyak ang pagkakaroon ng malinaw, konsistent, at kontekstuwalisadong gabay sa paggamit ng mga wikang Asรฌ, Inรญ, at Onhรกn.

Ang Pagbuo ng Ortograpiya ng mga Wika ng Pilipinas ay isang patuluyang programa ng KWF sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika, Publikasyon, at Promosyon (SLPP) na naglalayong paigtingin ang dokumentasyon, pagpapaunlad, at pagsusulong sa paggamit ng mga katutubong wika sa Pilipinas. Inaasahang ang mabubuong mga ortograpiya ay magsisilbing mahalagang sanggunian ng komunidad at magiging epektibong midyum ng pagtuturo sa mga paaralan, lalo na sa konteksto ng edukasyong multilingguwal. #

PRESS RELEASE