๐ƒ๐ข๐จ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐จ ๐’๐จ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ง ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ , ๐†๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐ƒ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง 2026

๐ƒ๐ข๐จ๐ง๐ข๐ฌ๐ข๐จ ๐’๐จ๐ฅ๐ข๐ฏ๐ž๐ง ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ , ๐†๐š๐ ๐š๐ฐ๐š๐ซ๐š๐ง ๐ง๐  ๐Š๐–๐… ๐ƒ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ข๐ญ๐ข๐ค๐š๐ง 2026

Gagawaran si Dionisio Soliven Bulong ng KWF Dangal ng Panitikan 2026 sa Kategoryang Indibidwal ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2026.

Sa loob ng ilang dekada, si Dionisio Soliven Bulong, manunulat, nobelista, at editor, ay naging haligi ng panitikang Ilokano sa pamamagitan ng kaniyang mga nobela at akda na sumasalamin sa bรบhay, kaisipan, at damdamin ng mga Ilokano. Kabilang sa kaniyang mga kinikilalang akda ang Fighting Pogi 1 at 2 at Matayakon Rosing, na patuloy na minamahal ng mga mambabasa sa loob at labas ng bansa. Naging mahalaga ang kaniyang papel sa larangan ng publikasyon bilang Punong Patnugot ng Bannawag Magazine mula 1978 hanggang 2005, kung saan hinubog at itinaguyod niya ang maraming manunulat. Nagsilbi rin siya bilang Tagapangulo ng Patnugutan ng Liwayway Publishing, Inc., at naging Pangulo ng GUMIL Filipinas.

Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang pinakamataas na pagkilala sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nito ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at iba pang katutubong wika. Ang gagawaran ay makatatanggap ng busto ni Balagtas, plake, at medalya.

Ang KWF Araw ng Parangal 2026 ay gaganapin sa 29 Abril 2026. #

PRESS RELEASE