Kasabay ng Pambansang Buwan ng Sining ang Kaway Festival ngayong Pebrero 2026

Kasabay ng Pambansang Buwan ng Sining ang Kaway Festival ngayong Pebrero 2026

Tagkawayan, Quezon – Nakahanda na ang programa ng bayan para sa Kaway Festival 2026, simula Pebrero 1 hanggang 11 ay kasabay ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Sining tampok ang Sayawayan Streetdancing and dance showdown.

Sa unang araw pa lamang ng Pebrero ay marami na ang magaganap, ang ika-4 na Kaway Mountain and Trail Bike Adventure Challenge, may Banal na Misa, Farmers’ at Fisherfolks day bukod pa sa Parada ng mga magsasaka’t mangingisda, Parada ng mga karosang may gayak, Kaway-cocolympics challenge.

Gayundin, mayroong Salubong sa Mahal na Birhen ng Lourdes, Kapihan sa PIA (Philippine Information Agency), Kaway Night Bazaar, Grand rosary rally/ banal na misa at Mardi gras: ritual ng tagayan sa lansangan. Sa Pebrero 2 naman ang Agri-Tourism Trade Far & Agri-Tourism Booths, Parangyaan ng Arko contest, Away Zumba dance-off, Hatawan sa Tagkawayan at Gabi ng Kabataan.

Marami din ang mangyayari są Pebrero 3, Kaway Arts Fair kung saan magkakaroon ng on-the-spot painting contest, chalk street art contest maging Prima Artistika Year 3: kasama ang LGBTQ Bahaghari Motorcade at Coronation night. Sa Pebrero 4, magkakaroon ng Paligsahang Pampanitikan, Kaway Quiz Bee contest at Congressman & Governor’s Night: Celebrity All-Star. Samantala, sa Pebrero 5 naman ang Kulinarya Cookfest kasama ang lambanog cocktail mix, pamanang lutuin at coco-dessert duel maging ang Tourism Solidarity night.

Kasunod ang ganap sa Pebrero 6 na Tuniglaw at Beer Plaza. Ang mga gawain sa Pebrero 7 ay OK sa TK Cross-country 35k run year 2, Kaway Invitational Sepak Takraw Tournament at Gabi ng Kalinangan Habang sa Pebrero 8 ay magdaraos ng One Day Basketball league maging Ginoo at Binibining Tagkawayan 2026. Susundan ito sa Pebrero 9 ng Vloggers’ Forum at ang inaabangang “Sayawayan streetdancing and dance showdown.” Sa Pebrero 10 naman ang Grand Civic Costume Parade, best costume contest, drum & lyre bands exhibition, Palaro ng lahi, Lungkasan ng mga Barangay at Mabuhay Kaway Fireworks display (salubong sa Kapistahan). Ang pinaka-Finale ay ang Dayana/ Dawn Parade, pagdiriwang ng Banal na Misa para sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Lourdes, Pambayang Prusisyon at Parish Night. Ang Pebrero ay dineklarang Pambansang Buwan ng Sining. Ngayong taon ang tema ay “Ani ng Sining: Katotohanan at Giting” batay sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA). # Randy T. Nobleza, Ph.D.

PRESS RELEASE