Mahigit P9.8M na Halaga ng Iligal na Droga, Nakumpiska; Apat na Street Level Drug Personalities, Timbog

Mahigit P9.8M na Halaga ng Iligal na Droga, Nakumpiska; Apat na Street Level Drug Personalities, Timbog

Nakumpiska ang nasa PhP9,816,976.00 na halaga ng iligal na droga at naaresto ang apat na drug personalities sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations na isinagawa ng mga operatiba ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa Benguet, Baguio City, at Kalinga noong ika-20 ng Enero, 2026.

Sa Benguet, labing anim na plantasyon na natamnan ng 36,230 fully grown marijuana plants, 3,200 marijuana seedlings, at 20,000 na gramo ng dried marijuana stalks na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na PhP9,774,000.00 ang nadiskubre sa inilunsad na marijuana eradication operation sa Kibungan at Bakun.

Ang nasabing operasyon ay naging matagumpay sa pagtutulungan ng mga operatiba mula Bakun Municipal Police Station (MPS), Kibungan MPS, 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Companies (PMFC), Provincial Community Affairs and Development Unit, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Benguet Police Provincial Office (PPO), Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15), Regional Intelligence Division (RID) ng PRO CAR, Regional Intelligence Unit-14 (RIU-14), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR

Agad naming binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nadiskubreng tanim na marijuana, habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng plantasyon ng marijuana sa mga karatig na lugar at mahuli ang mga indibidwal na responsable sa pagtatanim nito.

Samantala, dalawang drug personalities ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba mula sa Itogon MPS, Mankayan MPS, 1st Benguet PMFC, PDEU at PIU ng Benguet PPO, RID ng PRO CAR, RMFB15, RIU-14, at PDEA-CAR.

Sa Mankayan, isang 40-anyos na lalaki, na naitala bilang Street Level Individual (SLI), ang naaresto sa Brgy. Palasaan matapos siyang makuhanan ng dalawang sachets ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 4.32 grams at SDP na PhP29,376.00.

Naaresto rin ang isang 37-anyos na lalaki na natukoy bilang SLI  sa Brgy. Tuding, Itogon matapos siyang makuhanan ng dalawang sachets ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na 0.6 gram at SDP na PhP4,080.00.

Samantala, sa Baguio City, isang 30-anyos na lalaki na naitala bilang SLI ang nahuli at 1.0 gram ng pinaghihinalaang shabu na may SDP na PhP6,800.00 ang nakumpiska sa buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba mula sa Police Station 3, City Drug Enforcement Unit at City Intelligence Unit ng Baguio City Police Office; RIU-14; at PDEA-CAR sa Brgy. Outlook Drive.

Habang sa Kalinga, isang buy-bust operation rin ang naging matagumpay matapos maaresto ang isang  20-anyos na lalaki na naitalang SLI at nakumpiska ang 0.4 grams ng pinaghihinalaang shabu na may SDP na PhP2, 720.00 ng mga operatiba mula sa Tabuk City Police Station, 1st Kalinga PMFC, PIU at PDEU ng Kalinga PPO, RID ng PRO CAR, Kalinga Provincial Legal Office, RMFB15 at RID ng PRO CAR sa Brgy. Magsaysay, Tabuk City.

Ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensiya ay dinala sa kustodiya ng kaukulang lead unit para sa dokumentasyon at wastong disposisyon. Ang mga suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RPIO PRO CAR / File Photos)

PRESS RELEASE