12 Plantasyon ng Marijuana nadiskubre; Mahigit P8M na halaga ng mga Iligal na tanim, sinunog
Muling naging matagumpay ang isinagawang serye ng marijuana eradication operations ng mga kapulisan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa lalawigan ng Benguet at Kalinga matapos madiskubre ang PhP8,066,400.00 na halaga ng marijuana noong ika-22 ng Enero, 2026.
Sa Benguet, labing dalawang plantasyon na natamnan ng 22,440 fully grown marijuana plants (FGMJP) at 19,820 grams ng dried marijuana leaves and stalks with fruiting tops na may kabuuang Standard Drug Price (SDP) na PhP6,866,400.00 ang nadiskubre sa Brgy. Kayapa, Bakun, Brgy. Proper Badeo at Brgy. Tacadang, Kibungan.
Ang nasabing magkakahiwalay na operasyon ay isinagawa ng pinagsamang pwersa mula sa Bakun Municipal Police Station (MPS), Kibungan MPS, 1st at 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Unit (PIU) at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Benguet Police Provincial Office, Regional Mobile Force Battalion 15; Regional Intelligence Division ng PRO CAR, Regional Intelligence Unit-14, Special Operations Group-CAR, at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR.
Dagdag pa dito ay natapuan ang isa pang plantasyon na natamnan ng 6,000 FGMJP at may SDP na PhP1,200,000.00 sa Brgy. Ngibat, Tinglayan ng mga operatiba mula sa Tinglayan MPS, PIU, PDEU, at 1st Kalinga PMFC, ng Kalinga PPO at PDEA-Kalinga.
Lahat ng nadiskubreng tanim na marijuana ay agad na binunot at sinunog ng mga operatiba matapos ang kaukulang dokumentasyon. Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng taniman ng marijuana sa mga karatig-lugar, gayundin ang mga indibidwal na nasa likod ng iligal na pagtatanim nito. (RPIO PRO CAR /File Photos)
