๐๐’๐Š๐Ž ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐›๐จ, ๐€๐ค๐ฅ๐š๐ง, ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ!

๐๐’๐Š๐Ž ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐›๐จ, ๐€๐ค๐ฅ๐š๐ง, ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ!

Matagumpay na idinaos ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Kalibo ang dalawang araw na Panlalawigang Seminar sa Korespondensiya Opisyal (PSKO) noong 21โ€“22 Mayo 2026, sa Bagong Gusali ng Munisipyo ng Kalibo.

Layunin ng seminar na paigtingin ang paggamit ng wikang pambansa sa opisyal na komunikasyon sa loob at labas ng pamahalaan.

Pinangunahan nina Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng KWF, kasama ang Fultaym Komisyoner para sa Programa at Proyekto na si Dr. Carmelita C. Abdurahman at ng Bise Alkalde at nanunungkulang Alkalde ng bayan ng Kalibo na si G. Phillip Yerro Kimpo Jr. ang gawaing pangwika.

Tampok sa unang araw ng PSKO ang pagtalakay ni Tagapangulong Barrios-Taran sa Atas Tagapagpaganap bilang 335 o ang Executive Order (EO) 335, na nag-aatas sa lahat ng departamento, kawanihan, at ahensiya ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang sa paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksiyon at korespondensiya.

“Ang inyo pong Komisyon sa Wikang Filipino ay hindi tumitigil sa aming mandato na manaliksik, paunlarin, at patuluyan pang pasiglahin ang wikang Filipino at mga katutubong wika,” wika ng Tagapangulo.

Kabilang din sa mga lektura sa unang araw ang Korespondensiya Opisyal (KO) at Ortograpiyang Pambansa (OP) na tinalakay nina G. Jomar I. Caรฑega, Chief Language Researcher, at Dr. Evie G. Duclay, Linguistic Specialist ng KWF.

Naisagawa naman sa ikalawang araw ang masinsinang talakayan ukol sa Filipino Sign Language (FSL) na pinangasiwaan ni G. Patrick Bryan Ablaza, Senior Deaf Advocacy Officer. Sa huling bahagi ng seminar, ibinahagi ni Dr. Joel Lopez ang sining at mga tuntunin sa pagsulat ng Makabagong Baybayin.

Nagsilbing mga guro ng palatuntunan sina Bb. Marian Regina B. Taran at G. Mark Ronan A. Ting ng KWF.

Bukod sa mga pisikal na dumalo, napanood din ang dalawang araw na gawain sa pamamagitan ng Facebook Live sa opisyal na FB Page ng KWF at sa Zoom webinar na inihatid ng Kalibo Cable TV Community Channel. #

PRESS RELEASE