𝐏𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐍𝐢𝐫𝐞𝐛𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐎𝐫𝐭𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐢𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐢𝐤𝐨𝐥, 𝐈𝐝𝐢𝐧𝐚𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐫𝐚𝐥 𝐁𝐢𝐜𝐨𝐥 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐞 𝐔𝐧𝐢𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐭𝐲 𝐨𝐟 𝐀𝐠𝐫𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐞 (𝐂𝐁𝐒𝐔𝐀).
Idinadaos noong ikalima ng Nobyembre 2025, sa Bulwagang Pantanghalan ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) ang isang pampublikong konsultasyon hinggil sa nirebisang Ortograpiyang Bikol, na layuning mapalalim at mapalawak ang kaalaman ng mga guro, manunulat, at mga tagapagsulong ng wika sa rehiyon.
Dumalo sa aktibidad sina Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Gng. Lourdes Z. Hinampas, Chief Language Researcher, Puno ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika at iba pang mga kawani ng Komisyon sa Wikang Filipino. Kasama rin sina Atty. Dominador Faurillo, VPAF, bilang kinatawan sa Pangulo ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA), Dr. Melinda Parro-Pan, Vice President for Academic Affairs ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA), at Dr. Leopoldo R. Transona, Jr. Director ng Sentro ng Wika at Kultura ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA). ###
