๐๐ค๐-๐ ๐๐๐ง๐๐๐ข๐ ๐๐ข๐ ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ซ๐๐ง๐ฌ๐ข๐ฒ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐, ๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ!
Matagumpay na isinagawa ang Ika-2 Pandaigdigang Kumperensiya sa Nanganganib na Wika na ginanap noong 9โ11 Oktubre 2024 sa Pamantasang Normal ng Pilipinas, Maynila katuwang ang Pamantasang Normal ng Pilipinas-Sentro sa Pag-aaral ng Wika (PNU-LSC), Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle (DLSU-Filipino), at Departamento ng Linggwistiks ng Unibersidad ng Pilipinas (UP-Lingg).
Nilahukan ito ng 267 na kalahok mula sa ibaโt ibang katutubong pamayanan, lider ng indigenous cultural communities (ICCs), Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMR), ahensiya, institusyon, mag-aaral, at mga organisasyon.
Sa unang araw ay nagtanghal ng ritwal ang Bugkalot. Nagbigay ng mainit na bating pagtanggap si Denmark L. Yonson, PhD, Vice President for Student Success and Stakeholders Services ng Pamantasang Normal ng Pilipinas.Nagbahagi rin ng mensahe si Secretary-General Ivan Henares, PhD sa pamamagitan ni Gng. Kaye S. Nagpala ng Philippine National Commission for UNESCO. Nagtanghal naman ng katutubong sayaw ang PNU Kislap Sining Dance Troupe bilang pampasiglang bilang. Matapos nito ay nagbigay ng panayam ang Pamaksang Tagapanayam na si Victoria Tauli-Corpuz, Direktor ng Tebtebba kaugnay ng karapatan na dapat tinatamasa ng mga katutubo. Sinimulan naman ni Tagapangulong Arthur P. Casanova, PhD, ang panayam sa plenaryong sesyon na tumatalakay sa โEstado ng mga Nanganganib na Wika sa Pilipinas at Programa sa Pagpapasigla ng Wika ng Komisyon sa Wikang Filipino.โ Sinundan ito ng paralel na sesyon tungkol sa dokumentasyon at mga pag-aaral sa wika mula sa ibaโt ibang institusyon. Sa ikalawang plenaryong panayam naman ay tinalakay ni Anna Belew, PhD, Direktor ng Endangered Languages Project ang โLumalaking Network ng Pagpapasiglang Pangwika sa Kabila ng mga Hanggahan.โ
Sa ikalawang araw ay nagbigay ng mensahe si Deborrah S. Anastacio, PhD, Tagapangulo ng Departamento ng De La Salle. Ibinahagi din ni Marites T. Gonzalo, Direktor, IP Education Ministry ang โPagtuturo ng mga Katutubong Kaalamanโ at ginagawa ng kanilang organisasyon para sa kanilang komunidad na Tagakawlo. Sinundan ito ng pagbabahagi ni Frederick Barcelo, Bugkalot, sa โPagsasalin ng Bibliya bรญlang Paraan ng Pangangalaga ng Wikaโ ng kanilang wika. Hinilawod Epic Chant Recording naman ang ibinahagi nina Felipe P. Jocano Jr., Unibersidad ng Pilipinas at Lord Jane Caballero-Dordas, PhD, Sugidanon. Nagkaroon din ng bahagian sa sesyong pararalel kaugnay ng mga papel-pananaliksik pangwika. Ibinahagi naman ni Siripen Ungsitipoonporn, PhD, Mahidol University ang pag-a-archive ng mga wika (Language Archiving) at nagawang website at mga materyal.
Sa ikatlong araw, nagbigay ng mensahe si Maria Kristina Gallego, PhD, Tagapangulo ng Departamento ng Linggwistiks. Nagbahagi naman ng mga papel sa plenaryong sesyon ang mga tagapanayam mula sa katuwang na institusyon. Sinimulan ni John Amtalao, PhD, Pamantasang De La Salle ang โAng Sampung Libong Salita ng Tuwali-Ifugao sa Lente ni Padre Hubert Lambrecht: Repleksiyon sa Pagbubuo ng Identidad ng Aralรญng Kordilyera.โ Sinundan ito ni Voltaire M. Villanueva, PhD Pamantasang Normal ng Pilipinas na โPagtatampok sa mga Kalinangang Bayan sa Aralรญn at Pagsasanay tungo sa Preserbasyon ng Wika at Kultura (Bongabong).โ Nagkaroon din ng pagbahagi sa mga papel-pananaliksik sa paralel na sesyon. Huling nagbigay-panayam si Jesus Federico C. Hernandez, Unibersidad ng Pilipinas sa โQuo Vadis: Muling Pagsipat sa Diskurso ng Panganganib at Pagpapasigla ng mga Wika sa Pilipinas.โ
Pinangasiwaan naman ni Komisyoner Melchor E. Orpilla, PhD, Komisyoner ng Wikang Pangasinan, ang Resolusyon sa mga kalahok hinggil sa pagkakaisa ng mga ahensiya at institusyon sa pangangalaga ng mga nanganganib na wika sa bansa na nilagdaan ng mga kalahok. Sa huli, ay nagbigay ng pampinid na pananalita si Komisyoner Jose Kervin Cesar B. Calabias, PhD, Komisyoner ng mga Wika ng Kahilagaang Pamayanang Kultural kaugnay ng naganap na tatlong araw na kumperensiya. (PR)