Tulong, tulong, tulong… pangunahin mas kailangan ng kailyan sa Benguet – YAP
LA TRINIDAD, Benguet – Habang nalalapit na ang filing ng mga kakandidato para sa Presidential Election 2022 sa October 1 – 8 ay abala pa rin si Benguet Caretaker Congressman Eric Yap sa kanyang pagtatrabaho na kung saan ay ginagawan niya pa rin ng paraan para maibigay pa ang mga pangangailangan ng kanyang mga kababayan sa Benguet.
Matapos maipagkaloob ang payout sa mga farmers nitong buwan ng Setyembre ay isinunod naman nito na humiling kay DA Secretary William Dar ng 13 Hauling trucks para sa 13 na munisipyo na magagamit ng mga magsasaka.
Sa panayam ng Filipino News Sentinel kay Cong Yap, “Nakausap ko si Secretary Dar na magdo donate siya ng 13 Hauling Trucks per municipal na ito ay pwedeng hiramin at magamit ng farmers, ang gasollina ay sasagutin ni mayors, kung walang pondo lapit kay Governor at kapag wala rin pondo kay Gov lapit na kay Cong upang sa ganun matulungan natin ang mga farmers natin, kaya nga ang serbisyo na ginagawa natin ay tulong, sa mga kababayan natin ay number one na ginagawa natin ay tulong..tulong..tulong…secondary lang yun mga infrastructure projects, dahil ang infrastructure ay matagal maramdaman, it will take years, samantala ang tulong ay kapag pumunta kayo sa Benguet Gen may United Benguet Office na sa 2nd floor basta taga Benguet ka, libre ang hospital, pag kelangan niyo ng gamut sa pharmacist ng Benguet Gen pwede kayo humiling ng gamut dun,”
So, ito ang goal natin na magbigay ng maraming tulong sa mga kailyan natin,”
“Labis ang pasasalamat ko dahil napunta ako sa ating probinsiya, iisa lang masasabi ko napakasarap mahalin ng ating probinsiya, alam ko po sa mga kailyan ko naiintindihan nila at nararamdaman nila yun sinasabi ko na masarap mahalin ang Benguet at gusto ko magpasalamat sa mga kailyan ko na tinanggap nila ako ng buong-buo at ngayon po ako ay isang Igorot, ay talagang ipaglalaban ko ang ating probinsiya hanggang ako ay may buhay at lakas pa para pagsilbihan ang aking mga kailyan sa Benguet” pagtatapos ni Cong Yap. Mario D. Oclaman / FNS