“Trabahong galing sa puso, hindi ko pababayaan ang Benguet” -YAP
La Trinidad, Benguet – Libo-libong taga-suporta at mga sympathizer ang dumalo sa ginanap na thanksgiving ng United Benguet Party na pinangunahan ni incumbent Benguet Congressman elect Eric Go Yap ngayon Huwebes, (May 19, 2022) sa Wangal, Sports Complex, La Trinidad, Benguet.
Labing tatlong munisipyo ng Benguet ang napagkalooban ng tig dalawang native pig na ito ang napagsaluhan ng mga bisita at dumalo sa pasasalamat.
Namahagi rin ng mga pa raffle na daang cavan na bigas, mga bisikleta at mga gift pack.
Nabigyan ng pagkakataon makapanayam ang butihing Congressman ng ilang media outfit ng NET 25, Amianan Balita at Filipino News Sentinel na kung saan ay bakas sa mukha ni Yap ang labis na kasiyahan.
“Labis akong nagpapasalamat sa kapatiran na nagtiwala sa atin at sinuportahan tayo, tulad ng mga sinabi ko noong panahon ng kampanya, yun mga dinala kong tulong dito itutuloy natin yan, magtatrabaho po tayo at lahat ng dapat para sa mga kailyan ko dito dapat madala ko sa Benguet at yun serbisyo ko sa kanila ay maibigay ko ganun rin ang libreng pa ospital ay dapat matuloy-tuloy natin upang sa ganun yun mga kailyan natin dito sa Benguet ay hindi na mamumrublema magpa ospital,”
“Kailangan rin na paramihin natin ang farm to market dahil marami tayong farmers dito at yun sa road widening tulad sa Bakun dahil sira-sira ang kalsada at maging sa barangay Losong ng Kabayan kailangan maipa sementuhan rin ang kalsada,”
“Itong Sports Complex kailangan matapos natin, this year may pondo na yan 300 milyon ipagagawa na natin yun aquatic center at may Olympic size pool rin tayo at itong exterior ng gym ay maipapagawa na rin natin,”
Hanggat naririto kami ay magtatrabaho kami galing sa puso, mahal na mahal namin kayo at hindi ko pababayaan ang Benguet,” pagtatapos ni Yap. Mario Oclaman / FNS