Opening Statement of Senator Hontiveros during the Blue Ribbon Committee Probe on the 2020 COA report

MANILA- (August 18, 2021) – Magandang umaga po sa lahat.

Lahat po tayo dito ay halos wala nang tulog. Hindi ito pa-contest ng kung sinong ahensya ang may mas maraming ginagawa at kung sino ang pinakapagod at nakakaawa.

Ito ay usapin ng pananagutan; ng pagtupad sa mga pangako; at pag-gawa ng mga tungkulin ayon sa nakasaad sa batas.

Kung may nawarak man ngayong panahon ng pandemya, ang nawarak ay ang kabuhayan at kinabukasan ng milyon-milyong ordinaryong mamamayan.

Maging sa pagtitipon natin ngayon, habang hinihimay ang COA report na ito, ginagampanan natin ang ating mga tungkulin sa bayan.

For my part, nais kong bigyang atensyon ang tatlong malalaking halaga na nasilip ng COA:

Una, ang pinakamalaki sa mga gusto kong itanong: ang 42-billion pesos na fund transfer para COVID-19 programs.

Ang perang ito ay ibinigay sa mga implementing agencies nang walang Memorandum of Agreement at iba pang mga dokumento. Naimplement ba ang mga programa at paano sila isinagawa?

May pera, pero alam ba natin kung saan napunta?

Ikalawa, bakit may halos 12-billion pesos na nakalaan para sa mga benepisyo tulad ng Special Risk Allowance at Active Hazard Duty Pay na unobligated o hindi nagamit?

Habang may 12-billion pesos na nakatambay lang, yung ating mga Health Care Workers ay dumudukot sa sarili nilang bulsa dahil hindi man lang sila naaambunan ng hazard pay at risk allowance.

Wala rin silang masakyan papunta sa trabaho at pauwi sa kanilang mga tahanan. Ang masama pa, may mga HCWs na nagka-COVID pero hindi pa rin nakakatanggap ng compensation kahit kumpleto ang requirements.

Paano nangyaring walang napuntahan 12-billion pesos, samantalang napakalinaw ng pangangailangan ng kanilang sektor?

May pera, pero hindi ginasta.

Ikatlo, ang higit 95-million pesos na halaga ng expired na gamot.

Hindi man ito bilyones, ngunit sa gitna ng pinakamalaking krisis pangkalusugan, bakit hinayaang mabulok lang ang mga gamot sa taguan?

Matagal nang problema sa DOH itong bulto-bultong supply ng gamot na napapanis sa kanilang mga warehouse, at ipinapakita ng COA Audit na hindi pa rin nila ito nasosolusyonan.

Nakakalungkot sabihin na kung alin pa ang Department of Health, sya pa pa mismo ang nag-aaksaya ng gamot. Pampagaling na, naging bato pa.

May pera, ginasta, may supply, pero hindi naman napakinabangan ng taumbayan.

Mr. Chair, mga kasama, at any other time, this report is standard procedure, bilang ang COA ay isang independent at constitutional body.

But today is exactly 521 days since community quarantine was first imposed in the Philippines. Sumisirit ang kaso ng COVID dahil sa mga bagong variant. Kulang pa rin ang mga bakuna.

Malapit na ang -Ber months, pero wala pa ring katiyakan kung kailan ba talaga ang new and better normal.

Paano makakapag-hanapbuhay ang mga Pilipino kung hindi naman mapanagutan ang mga pangakong pangkalusugan?

It is against this backdrop of rising uncertainty that cold hard facts are being revealed about the way the DOH spent – or failed to spend – the funds appropriated by Congress.

This is a regular audit report, yes, but it calls for a greater sense of urgency on the part of our government. This is not the time for business as usual. ###