LAUNCHING OF MCGI FREE STORE BAGUIO CHAPTER

LAUNCHING OF MCGI FREE STORE BAGUIO CHAPTER

Pinangunahan nina Vice-Mayor Faustino Olowan, Mayor’s Office representative Doy Tabi, MCGI Baguio Chapter Coordinator Jonathan Perez at  UNTV News Anchor Grace Doctolero ang ribbon cutting para sa paglunsad ng kauna-unahang “Libreng Mamili” o Free Store na mula sa Members Church of God International (MCGI) na ginanap sa Covered Court Sanitary Camp barangay noong Marso 14, 2021.

Ayon kay Jonathan Perez, “ito ay isang adbokasiya ni Kuya Daniel at ni yumaong Bro. Eli na ngayon lang nangyari at halos buong mundo ang nagsasagawa ngayon nitong MCGI Free Store at ngayon ay nagpapasalamat kami sa Barangay officials ng Sanitary Camp na pinahintulutan kami makarating dito at magsagawa ng serbisyo para sa mga mahal namin kapatid,”

Sinabi naman ni Grace Doctolero, “The first 50 recipients will be given to Trancoville barangay and next 50 for South Sanitary barangay, may coupon na ibibigay sa recipient at ito ang gagamitin nila para mamili ng mga basic commodities tulad ng bigas, noodles, canned goods, sugar, salt eggs, biscuits at may mga clothes shoes at stuff toys pa na may mga points ito na ibabase sa coupon na hawak ng recipient, hindi po natin pagsasabayin na mamili, by schedule po para maiwasan natin ang crowd, dahil kailangan pa rin po natin ipatupad ang health protocol para na rin sa proteksyon at kaligtasan natin sa pandemic, there are 670 MCGI Free Store branches that open its door in the Philippines and across the Globe at sa susunod na buwan ay mapag-uusapan pa kung saan barangay naman naming gagawin itong MCGI FREE STORE which is the best privilege is when you get everything for free”   Photos by:  Mario Oclaman /FNS

Mario Oclaman