Bagong contractor na mamahala sa ERS para magdebelop ng eco-park – Magalong
BAGUIO CITY – Nagpatawag ng imbitasyon si mayor Benjamin Magalong sa local media upang ipakita ang kasalukuyang sitwasyon ng Ecological Park na dating dumpsite sa Irisan, kasama ang mga bagong contractor, ang MEGA WASTE contractor na kung saan ay sila ang naghahakot ng basura dito sa Baguio papunta sa Clark ipinamahala na sa kanila ang mga dapat tapusin sa eco-park upang mapadali na buksan ito sa publiko at turista.
Maalala noong Marso 2021 ng bumisita si EMB DENR-CAR Regional Director Ma. Vicotria Abrera ay ipinagmalaki ni Magalong ang malaking pagbabago ng isang hopeless na dumpsite ay kayang gawin para maging isang bagong environment-friendly park sa Barangay Irisan.
Sinabi ni Magalong, “Nang bago ako manungkulan ay ito agad dumpsite ang pinuntahan ko nakita ko na talagang basura ito and I made an announcement that we are going to transform it and convert it to an eco-park and many of those who heard my announcement did not believe, but now, “We did it” kayo na mismo ang mag witness kung ano ang nangyari sa lugar na ito, it takes a lot of collaborative effort to do this, ang laki ng tulong ng komunidad, mga department heads at mga stakeholders at barangay officials,”
“Kahit si EMB DENR-CAR RD MaVic Abrera pati siya nagulat sa transformation nito hindi siya makapaniwala so, nag commit siya sa akin na ili-lift na niya ang Writ of Kalikasan dito, and we will continue to develop it further at the same time nakakuha na tayo ng bagong contractor to manage yun ating MRF so, this time it will be a functional ERS, dati rati ang na process lang nito ay 10 tons now pag natapos yun by November it can be process already by 30 tons, tapos may isang grupo rin from the private sectors, the Baguio up cycling group they will showcase the up cycling so sila rin isa dito na mag up cycling sa eco-park.,”
“This will serve as testament na kaya pala ng Baguio City na mag transform ng mga lugar na akala mo hopeless case na tulad ng basurahan, marami pa tayong gagawin na improvement dito.” Pagtatapos ni Magalong
Samantala, ang kabuuhan na lawak ng eco-park ngayon na nabakuran ay nasa dalawang ektarya. Mario Oclaman /FNS