Limang Paglulunsad para sa ika-5 taong Anibersaryo ng Center for Philippine Studies

Limang Paglulunsad para sa ika-5 taong Anibersaryo ng Center for Philippine Studies

Quezon City, Philippines – Mayroong hindi bababa sa limang ilulunsad sa ika-5 taong anibersaryo ng New Era University (NEU) Center for Philippine Studies (CPS) sa darating na Mayo 10, pinagsama na sa nasabing okasyon ang limang magkakabukod na gawain.

Ayon sa opisyal na social media ng NEU Center for Philippine Studies, launching ng Kaningningan, launching ng Aklat ng Dagli, launching ng music album na Filipino love song, launching ng Heritage and Museum Management at launching ng Kasaysayan at Kulturang Pilipino.

Dagdag pa ni Ka Zaldy Petorio ng NEU Center for Philippine Studies, may malaking eksibit sa Museum kasabay ng Buwan ng Pamana ngayong Mayo 2026.

Pinatnugutan ni Dr. Romeo Peña ang aklat na “Dagli sa panahon ng pagmamadali” volume 1 na ilulunsad din sa linggo. Gayundin, ang paglulunsad ng bagong batch ng “Certificate Program in Heritage and Museum Management” ay may tutok sa museum hospitality. Tampok din ang bagong isyu ng Kaniningan Journal volume 4 number 1 tungkol sa ekspresibong kultura, sining at pamanang-bayan sa pagsasakasaysayan. # Randy T. Nobleza Ph. D.

PRESS RELEASE