Pangangalap ng datos para sa Korpus at pagbuo ng Glosaryo ng wikang Manobo Dulangan, isinagawa sa Sultan Kudarat

Pangangalap ng datos para sa Korpus at pagbuo ng Glosaryo ng wikang Manobo Dulangan, isinagawa sa Sultan Kudarat

Nagsagawa ng fieldwork ang Sangay ng Leksikograpiya at Korpus ng Pilipinas ng Komisyon sa Wikang Filipino sa Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat noong 19–23 Marso 2026 upang makapangalap ng pasalitang korpus at makabuo ng glosaryo ng wikang Manobo Dulangan.

Layunin nitong makalikom ng datos para sa dokumentasyon ng wika at makalikha ng sangguniang magagamit sa pagtuturo ng wika at kultura ng komunidad.

Bahagi ito ng proyekto ng pagbuo ng Pambansang Korpus ng mga Wika ng Pilipinas.

Naging katuwang sa fieldwork si Dr. Radji Macatabon ng University of Southern Mindanao, sa pamumuno ni Dr. Jonald L. Pimentel. #

PRESS RELEASE