CHR-CAR nagsagawa ng Human Rights Training para sa mga Mamamahayag

CHR-CAR nagsagawa ng Human Rights Training para sa mga Mamamahayag

Ang tanggapan ng Commission on Human Rights – Cordillera Administrative Region (CHR-CAR) ay kamakailan nagsagawa ng kalahating araw na pagsasanay hinggil sa karapatang pantao para sa mga mamamahayag, na layuning magbigay-kaalaman at magturo ng human rights–based approach sa pamamahayag.

Sa naunang batch na mamamahayag na nagpalista mula sa iba’t ibang media outfits sa lungsod at may ilang information officers mula sa iba’t ibang regional line agencies ng pamahalaan ang lumahok sa naturang training.

Pinangunahan ni Atty. Lyndon T. Morales, legal officer ng CHR-CAR, ang opening & welcome remarks na kung saan ay ipinaliwanag niya sa media at information officers ang kahalagahan ng mga tatalakayin kaugnay sa Commission on Human Rights upang maipalaganap ang pagsunod at pagsasabuhay ng human rights-based approach sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala.

Ipinahayag ni Morales ang kanyang pasasalamat sa mga mamamahayag at information officers sa kanilang aktibong partisipasyon, na nagbigay-daan upang matalakay at matugunan ng CHR-CAR ang ilang mahahalagang isyu at alalahanin, gayundin ang kanilang ambag sa pagsusulong ng karapatang pantao sa larangan ng pamamahala.

Ipinaliwanag rin ni Information Officer III, CHR-CAR Ms. Charmaine Joy C. Batong-Ambros ang tungkol sa CHR Mandate, Programs and Services.

Basic Human Rights naman ang tinalakay ni Information Officer II, CHR-CAR Ms. Rizel N. Villanueva

Sa open forum ay naglabas ng mga katanungan ang mga media at information officers na maayos at makatuwiran na sinagot ng mga lecturer.

Ayon naman kay Atty. Morales ay magkakaroon pa ng mga susunod na batch ng pagsasanay para sa mga mamamahayag at information officers, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Komisyon sa pagpapalaganap ng human rights–based approach sa pagtugon sa mga isyung panlipunan, lalo na yaong may kinalaman sa karapatang pantao.

Ang CHR ay isang independent institution na nilikha sa ilalim ng Konstitusyon upang tiyakin ang pagsunod ng pamahalaan sa human rights–based approach sa pamamahala.

Samantala, matapos ang kalahating araw na pagsasanay ay pinagkalooban ng certificate of participation ang mga kalahok na dumalo sa naturang Training on CHR Mandate, Programs, Services and Basic Human Rights for Media Practitioners. # Mario Oclaman // Filipino News Sentinel

Mario Oclaman