Pormal na pagbubukas ng Little Chinatown para sa Pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival sa Baguio

Pormal na pagbubukas ng Little Chinatown para sa Pagdiriwang ng Mid-Autumn Festival sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Pinangunahan ni Mayor Benjamin B. Magalong kasama sina Congressman Mauricio G. Domogan, Vice Mayor Faustino Olowan, Councilor Betty Lourdes Tabanda, City Tourism Officer Alec Mapalo, Peter Ng – Chairperson, Baguio Filipino-Chinese Community EXECOM, Fernando S. Tiong – Director, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. at ang unang ginang ng Baguio na si Arlene S. Magalong at ng ilang panauhin ay nakipagkaisa sa naturang pagdiriwang at pagbubukas ng Filipino-Chinese ng Little Chinatown sa kahabaan ng Session Road noong Setyembre 14, Linggo ng umaga ngayong taong 2025.

 Ang Mid-Autumn Festival, ay malalim ang ugat sa pagpapasalamat, pagkakaisa, at pamilya, ay nagtatampok sa matibay na ugnayan sa pagitan ng ating lokal na komunidad at ng mga kapatid nating Filipino-Chinese.

Sa pagpasa ng City Ordinance No. 90, s. 2023, ang pagdiriwang ay naging isang mahalagang bahagi na ng kalendaryong kultural ng Baguio—nagpapayaman sa ating pagkakaiba-iba at nagpapalakas sa ating pinagsasaluhang mga pagpapahalaga ng pagkakasundo at paggalang sa isa’t isa.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Magalong sa Asosasyon ng Baguio Chinese Filipino Youth (ABCFY) at sa buong komunidad ng Filipino-Chinese para sa kanilang matatag na ambag sa paglago at pag-unlad ng lungsod. “Tunay nga, tulad ng kabilugan ng buwan na pinakamaliwanag, ang ating mga komunidad ay lalong nagniningning kapag nagkakaisa,” ani Magalong. ### Contributed Photos

Mario Oclaman