Makasaysayang Lagdaan ng Memorandum ng Unawaan ng KWF at mga Katutubong Organisasyon, Matagumpay na Naisakatuparan

Nagtungo ang iba’t Ibang katutubong pangkat sa Komisyon sa Wikang Filipino upang pagtibayin ang isang makasaysayang pagsasagawa ng Memorandum ng Unawaan noong 4 Setyembre 2025, sa layuning maprotektahan ang katutubong wika at ang mga banta sa karapatan ng kanilang mga lupa.

Pinagtibay ang Lagdaan ng Memorandum ng Unawaan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ng Pambansang Konseho ng Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (PKKMP) sa Bulwagang Romualdez, KWF.

Layunin ng MOU na higit na maging aktibong magkatuwang an Matag KWF at PKKMP sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino at lahat ng mga katutubong wika sa Pilipinas partikular na sa pagtatatag ng mga Bahay-Wika sa mga ancestral domain/land ng bawat pamayanang katutubo upang mapreserba ang kanilang wika at panitikan.

Para sa unang panig, dumalo ang mga opisyal at kawani ng KWF sa pangunguna nina Tagapangulong Barrios-Taran, Komisyoner Abdurahman, at Komisyoner Mendillo. Sa ikalawang panig naman ay dumalo ang mga opisyal at miyembro ng PKKMP sa pamumuno nina Dato Binalan Hanas, Pangulo at Bai Libun Labeh Diamante, Pangalawang Pangulo kasama ang iba pang mga katutubo.

Kasama sa mga larawan ang mga opisyal at kawani ng KWF at mga opisyal at miyembro ng PKKMP. ###