Crafting Greatness: Adelaida Guia’s Crochet Legacy

Lungsod ng Baguio (Setyembre 10, 2025) – Ang artist na nagkokrochet na si Adelaida Guia ay inaasahan makamit ang pagiging Guinness World Record matapos nito mabuo ang ginagawang pinakamalaking crochet mandala. Ang kanyang napakalaking gawa at ang kanyang mga obra maestra na gawa sa gantsilyo ay ipinakita sa Atrium ng SM City Baguio kaninang umaga ng alas-diyes, Setyembre 10 hanggang Setyembre 11, 2025.
Ang sining ng crochet ni Adelaida Guia ay kilalang-kilala sa buong mundo, at ang mandala ay patunay ng kanyang kahanga-hangang talento, at saksi ng lahat ng kanyang nakakasalamuha mga taong namangha sa kanyang matiyagang pagko-crochet na patuloy nagsisikap para makuha niya ang tugatog ng tagumpay, at ito ay kanyang maipagmamalaki na isang handog para sa lungsod ng Baguio.
Tanging ang katuwang ni Ade ay ang kanyang asawa na si Philip, na naging inspirasyon niya rin ito kasama ng kanyang limang anak.
Sa panayam kay Philip Tadoy Guia, “Ang gagawin ngayon ay papatungan pa ito ng dalawang ikot pa sa yarn bale ang pinaka final na sukat ay malalaman natin bukas ng 6 PM, bale nung last na sukat ay nasa 28 square meter, sa ngayon ay display pa lang ito dito sa SM pero kung may gustong bumili o may kursunadang bilhin ay bibigyan na lang namin sila ng kontak at pasyal na lang sila sa bahay na yun rin ang pwesto namin na tinatawag na abiakak tambayan sa tapat lang ng bahay sa #58 Maria Basa Barangay,”
Makikita rin ang iba pang mga gawa ni Ade ay kinabibilangan ng mga iba’t ibang anyo ng hayop, at mga Manyika.
Ipinapakita rin niya ito tuwing Linggo sa Session Road at iba pang mga parke.
Ayon naman kay SM City Baguio Mall Manager Philip Baysac, “Kami po dito sa SM City Baguio ay sinusuportahan ang isang ganitong klaseng event, this is to attempt of Ms. Adelaida Guia for the largest crochet ever created by an individual very inspired ang kanyang message kami po ay sobrang nagagalak dahil tayo ay napili na maging partner dito sa kanyang attempt para sa largest crochet sa Guinness World Record,” # Photo and videos by Mario Oclaman //FNS