John Hay Pawradise pet park binuksan na libre sa publiko

John Hay Pawradise pet park binuksan na libre sa publiko

Baguio City – Pormal ng binuksan sa publiko ang Pawradise (Pet Park) na para sa mga may alagang paboritong hayop matapos isinagawa ang ribbon cutting na pinangunahan Mr. Manjit T. Singh Reandi – President and Chief Executive Officer ng JHMC kasama sina Dr. Silardo Bested – City Veterinary & Agriculture Office Head, Dir. Karen Tabisura-Calulut – Board of Director, JHMC at Dir. Atty. Michael Remington Nerez – Board of Director, JHMC na pawang nagbigay rin ng mga message of support noong Agosto 15, 2025 sa Scout Hill, Camp John Hay, Baguio City.

Sinabi ni JHMC Pres. Reandi, “Umpisa pa lang itong pagbubukas  na libre pa lang po, plano pa lang namin na ma elevate ang experience, but for now ang ginawa namin ay recycle materials muna kasi gusto ko muna makinig sa ating mga stakeholders, pwede sila magbigay ng feedback o magsabi ng kanilang recommendation kung anong pwedeng idagdag, kung anong pwedeng ibawas at ilagay pa na magagamit ng ating for babies dito sa loob,”

“Napaka importante rin ito sa mental health ng ating for babies, kasi alam natin na kahit sila ay nai stress rin dahil iisa lang lagi ang kanilang nakikitang environment, kaya kami nag provides ng ganito para meron kayong alternative na puntahan, tambayan pwede nyo sila pakawalan dito minsan kapag kayo lang nandito, at least ito ay safe environment na pwede nilang i-explore pwede maglaro, pwede mag train at the same time pwede mag create ng community ng meet and greet, pwede mag create ng kanya kanyang samahan para magamit itong pet park at ma utilize natin ang space na binigay ng John Hay Management.

“Magtulungan lang po tayo na panatilihin natin ang kalinisan sa loob ng pet park, bukas po ito araw-araw mula 6 AM to 6 PM. ### Photo / Videos by Mario Oclaman // Filipino News Sentinel

Mario Oclaman