Mga Cayetano, nakiisa sa GMA Gala Night 2025

Mga Cayetano, nakiisa sa GMA Gala Night 2025. Nakiisa sina Senator Alan Peter Cayetano at City of Taguig Mayor Lani Cayetano sa GMA Gala Night nitong Sabado, August 2, 2025. Ipinagdiwang sa gala ang 75th anniversary ng GMA Network at ang 30th anniversary ng Sparkle GMA Artist Center. Bumida si Mayor Lani sa kanyang gown na likha ng designer na si Randy Ortiz, habang suot naman ni Senador Alan ang classy tuxedo na disenyo ni Avel Bacudio. Kilala si Senator Alan, kasama ang kanyang kapatid na si Senator Pia Cayetano at si Boy Abunda, sa kanilang programang “Cayetano in Action with Boy Abunda.” Ipinagpapatuloy ng palabas ang pamana ng kanilang yumaong ama na si Senator Rene Cayetano. Mapapanood ito tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa GMA. Noong Abril, kinilala ang programa sa 38th PMPC Star Awards for Television bilang Best Public Affairs Program at Best Public Affairs Program Host. ###
Nakiisa sina Senador Alan Peter Cayetano at City of Taguig Mayor Lani Cayetano sa ilan sa pinakamalalaking bituin sa bansa sa GMA Gala Night nitong Sabado, August 2, 2025.

Ipinagdiwang sa okasyon ang dalawang mahalagang anibersaryo ng Kapuso Network—ang ika-75 taon ng GMA at ang ika-30 anibersaryo ng Sparkle GMA Artist Center.
Dumalo si Senador Alan bilang bahagi ng kanyang public affairs show na “Cayetano in Action with Boy Abunda (CIA with BA).” Kasama niya sa award-winning na programa, na nasa 11th season na, sina Senador Pia Cayetano at batikang talk show host na si Boy Abunda.
Handog ng CIA with BA ang mga totoong kwento at legal na payo na magagamit ng mga manonood sa kanilang araw-araw na buhay.

Ipinagpapatuloy nito ang naiambag ng kanilang yumaong ama na si Senador Rene Cayetano sa larangan ng public service media.
Si Senador Rene ang nasa likod ng programang “Compañero y Compañera” noong dekada ’90 at unang bahagi ng 2000s, na tumulong sa maraming Pilipino sa kanilang mga legal na problema.
Kamakailan, itinanghal ang CIA with BA bilang Best Public Affairs Program sa 38th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Television. Pinarangalan din ang mga host nito bilang Best Public Affairs Program Host.
Nagpasalamat naman si Senador Alan sa patuloy na suporta ng mga manonood.

“We try to keep things entertaining, but more importantly, we make sure the show really helps people solve their problems. That’s what matters most,” aniya.
Mapapanood ang CIA with BA tuwing Linggo, 11:00 ng gabi sa GMA 7. Available din ang mga episode sa opisyal na YouTube channel ng GMA. ###