Bisperas ng Ika-30 taon ng Marcopper Mine Tailings Spill, MACEC patuloy naninindigan para sa Karapatang Pangkalikasan at Katarungang Panlipunan

Bisperas ng Ika-30 taon ng Marcopper Mine Tailings Spill, MACEC patuloy naninindigan para sa Karapatang Pangkalikasan at Katarungang Panlipunan

Photo Credits MACEC Marinduque

Boac, Marinduque – Sa Ika-29 Anibersaryo ng Marinduque Council for Environmental Concerns (MACEC), nagpanibago ng tindig ang mga miyembro nito sa lalawigan. Nang nakaraang Hulyo 27, Linggo sa Sacred Heart Parish sa Diyosesis ng Boac ay nagtipontipon ang kinatawan ng MACEC kasama ang mga tagasuporta nito. Ang tema ngayong taon ay “Tumutugon sa Tawag ng Diyos, sa hinabing pagkilos nang ang pag-asang lubos, na manauli ang sangnilikhang sa Kapayapaan ay Puspos.”

Kasamang dumalo ang Bokal Jojo Leva at dating bise gobernador Lyn Angeles maging ang kura paroko at pinuno ng Social Action Commission Fr. Jojie Mangui sa nasabing pagtitipon para sa ika-29 na anibersaryo ng MACEC ay gayundin ng sakuna dulot ng basurang mina galing sa Marcopper noong 1996. Ayon sa mga sinulong sa Sangguniang Panlalawigan ng Marinduque, Enhanced Greening program, arbor day act integration, gulayan sa puso ng Pilipinas, Rights of Nature Envi Code sampu ng iba pang lehistatibong tulong.

Maging ang mga hakbang sa pagtutol sa asphalt plant sa Mogpog, pagsang-ayon sa Settlement Agreement sa Barrick Gold, paggiit sa pananagutan ng Marcopper, panuntunan sa rehabilitation fund at paglalaan ng 300,000 piso para sa pinansyal na tulong bawat taon para sa MACEC sa loob ng sunod na limang taon.

Sinabi ng MACEC, “Salamat sa mga naging bahagi ng pagtatag nito at sa mga lider na patuloy na naglalaan ng sarili upang mapanatiling buhay at matatag ang 170 chapters at ang humigit kumulang na 10 libong kasapian sa lalawigan na nagtataguyod ng Pangarap nito: “Ang malinis, mayaman at nagbibigay-buhay na kapaligiran para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon ng mga Marinduquenos.”

Dagdag pa nila, pangunahing resolusyon ng assembly ng mga kasapi sa Sacred Heart of Jesus Parish ang hingin ang suporta ni Cong. Reynaldo Salvacion sa “Mining-Free Zone Bill at “Rights of Nature Bill” upang ito ay maisabatas. #

PRESS RELEASE