KWF SERYE NG WEBINAR SA BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2025

Malugod kayong inaanyayahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa apat (4) na Serye ng Webinar kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2025 na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”
Para sa UNANG SERYE NG WEBINAR, ang tagapanayam sa paksang “Wikang Pangkasarian” ay ibabahagi ni Dr. Rowena P. Festin, Assistant Professor sa University of the Philippines-Pampanga. Ito ay gaganapin sa 5 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.
Ang panayam sa IKALAWANG SERYE NG WEBINAR ay ipagkakaloob ni Bb. Carolyn B. Dagani, FSL Specialist, Deaf Relay Interpreter, at Disability Leader, Bise Presidente, ng Philippine Deaf Cultural Arts, at Board Member, World Federation of the Deaf Regional Secretariat for Asia. Tatalakayin niya ang paksang “Gampanin ng Filipino Sign Language (FSL) sa Pagbabago ng Klima” na gaganapin sa 12 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.
Sa IKATLONG SERYE NG WEBINAR ay bibigyang talakay ni Dr. Carl E. Balita, Presidente at CEO ng Dr. Carl E. Balita Review Cente at Propesor ng Graduate School sa Philippine Women’s University, ang paksang “Pagtataguyod ng Literasi sa Wikang Filipino: Hakbang Tungo sa Maunlad na Buhay.” Ito ay gaganapin sa 19 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom.
Para sa IKAAPAT NA WEBINAR sa huling Martes ng Agosto, tatalakayin ang paksang “Filipino at Wikang Katutubo: Wika ng Malayang Pamamahayag” sa pamamagitan ng ating ekspertong tagapanayam na si Dr. Aurelio S. Agcaoili, Chair ng Department of Indo-Pacific Languages and Literatures sa University of Hawaii. Ito ay gaganapin sa 26 Agosto 2025, 10:00 nu–12:00 nt gamit ang Zoom. Ang mga dadalo sa webinar ay makatatangap ng e- sertipíko mulâ sa KWF. #