Pagsasanay ng mga Master sa Wikang Ayta Magbukun at Alta sa Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP), isinagawa

Isinagawa ang pagsasanay ng mga master ng Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2 Hulyo 2025 sa Bahay-Wika, Brgy. Bangkal, Abucay Bataan.

Sa pangununa ni Dr. Romylyn Metila, Unibersidad ng Pilipinas-Diliman ay isinagawa ang pagsasanay sa anim (6) na master ng wikang Ayta Magbukun at wikang Alta.
Ang programang MALLP ay isang language immersion program ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na nakatuón sa pagtuturo ng wika sa mga nasa hustong gulang (adult apprentice) at kasalukuyang umiiral sa Ayta Magbukun, Alta, at Inata. Layunin ng pagsasanay na magbahaginan at madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagtuturo ng kani-kanilang wika bilang paghahanda sa susunod na batch ng mga apprentice.

Inaaasahang tig-anim na apprentice ang makikilahok sa kada wika sa pagbubukas ng Panuruang Taóng 2025–2026.
Pinangunahan ng KWF ang gawain, sa pamamagitan nina Arthur P. Casanova, PhD, Tagapangulo, sa ilalim ng Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika kasama sina Lourdes Z. Hinampas, Punò ng Sangay, Jennifer S. Bactol, at Rolien Mark Balisi katuwang si Bb. Ginette Lopez ng Provincial Government Office ng Bataan.