๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐’๐š๐ฅ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐๐ž (๐.๐€.๐€. ๐๐จ. ๐Ÿ‘๐Ÿ“), ๐๐š๐ข๐ฌ๐š๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ง ๐๐š!

๐๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ซ๐จ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐’๐š๐ฅ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐‚๐จ๐๐ž (๐.๐€.๐€. ๐๐จ. ๐Ÿ‘๐Ÿ“), ๐๐š๐ข๐ฌ๐š๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฉ๐š๐ซ๐š๐ง ๐๐š!

Pormal nang naisagawa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pag-turnover sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) ng nasuring salin sa Filipino ng Bangsamoro Electoral Code ng 2023. Naisagawa ang online na programa noong 8 Hulyo 2025 na dinaluhan nina Engr. Abdulgani Manalocon (Direktor ng Legislative, Technical Affairs, and Information Services ng Bangsamoro Transition Authority), Bai Fairuz Candao (Punรฒ ng Translation and Interpretation Division), kasama rin sina Nailiah Amerol (Tagasalin sa wikang Filipino), at iba pang kinatawan ng Translation and Interpretation Division (TID). Nagbigay rin mensahe ang tagapangulo ng KWF na si Dr. Arthur P. Casanova at sina John Enrico C. Torralba (Chief Language Researcher) at John Lerry C. Dungca (Senior Language Researcher) na kapuwa nagsilbing mga validator ng salin.

Sa inisyatiba ng TID, naging posible ang pagkakaroon ng salin sa Filipino ng B.A.A. No. 35 na ipinaraan naman sa Sangay ng Salin ng KWF para sa kaukulang balidasyon. Kasalukuyang kinikilala ng ipinalabas na KWF Resolusyon blg. 33-05, s. 20-25 ang umiiral na salin sa Filipino ng batas, alinsunod sa mga umiiral na tadhana ng KWF Resolusyon blg. 45-7, s. 2024 na nagtatakda ng matalik na ugnayan at suportang ipagkakaloob ng KWF sa pamunuan ng Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro sa Muslim Mindanao (BARMM).

Ang gawaing ito ay bilang tugon sa pangangailangan na maging aksesibol hindi lamang sa mga mamamayan ng BARMM kundi sa pangkalahatang mamamayan ng bansa ang batas. Bukod sa suporta sa gawaing ito na nakatuon sa wikang Filipino ay kinikilala rin ng KWF ang naging aksiyon ng LTAIS-TID na magkaroon ng salin ang batas sa ibaโ€™t ibang wika sa BARMM.

Nakatakda ang kauna-unahang halalan ng parlamento sa darating na 13 Oktubre 2025. ###

PRESS RELEASE