PDEA-CAR nasamsam ang P2.5 milyon halaga ng Marijuana bricks sa Baguio City

PDEA-CAR nasamsam ang P2.5 milyon halaga ng Marijuana bricks sa Baguio City

LUNGSOD NG BAGUIO – (Hulyo 11, 2025) Humigit-kumulang 21 kilo ng tuyong marijuana na naka-birikit, na nagkakahalaga ng higit sa P2,500,000.00, ang nahuli sa isang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency, sa loob ng Parking Lot ng Burnham Park, Lungsod ng Baguio noong Biyernes ng hapon.

Pumasok ang dalawang suspek sa nakalaang sasakyan ng PDEA upang magsagawa ng transaksyon, ngunit nahuli agad pagkatapos makumpirma, sa naganap ang pagbabayad.

Ang mga suspek ay hindi lumaban sa kanilang pagkakaaresto. Isa sa mga suspek mula sa Nueva Ecija ay kamakailan lamang pinalaya mula sa kulungan dahil sa katulad na kaso ng droga noong 2024, habang ang isa pang suspek mula Bakun, Benguet, ay pinaghihinalaang nagdala ng mga ilegal na droga mula sa lugar.

Sinabi ni PDEA CAR Regional Director Derrick Arnold C. Carreon na ang operasyon ay isang buwan na proseso na nagdulot sa pagkakaaresto ng suspek. Nalaman nila na hindi ito ang unang pagkakataon na ang magka-partner ay nakilahok sa paghahatid ng ilegal na droga dahil sa malaking halaga ng kanilang binebenta.

Haharapin ng suspek ang mga kaso para sa paglabag sa Seksyon 5 ng Artikulo 2 ng Dangerous Drug Act ng 2002. (PDEA-CAR File Photos)

Mario Oclaman