Benguet Adivay 2022 for peoples’ festival of culture, nature and the future

Benguet Adivay 2022 for peoples’ festival of culture, nature and the future

Wangal, La Trinidad, Benguet – Matagumpay at puno ng pag-asa ang ipinagdiwang ng 122nd Foundation Anniversary Celebration through Adivay noong ika-23 ng Nobyembre, 2022.

Sa unang bahagi na ginanap ang street parade na dinaluhan mula sa delegasyon ng 13 munisipalidad ng Benguet, mga institusyon, at mga sangay ng LGU’s – Benguet at city officials ng Baguio City na sinimulan sa Benguet Provincial Capitol hanggang sa Benguet Sports Complex, Wangal.

Isinagawa naman ang “Avang/Depap” na kung saan ang bawat representante ng 13 munisipalidad ay huhulihin ang kanilang parte na native pigs upang ialay at isagawa ang simultaneously local ritual butchered of a traditional “owik” nagpapahiwatig na ang malakas na tili ng mga baboy ay nagdadala ng masaganang ani at mga biyaya na matatanggap para sa grand canao ng Benguet Adivay 2022.

Pinangunahan ang pagsayaw ng Tayao ni Benguet Governor Melchor D. Diclas kasama ang kanyang wife, sinundan ni Congressman Eric G. Yap at ang kanyang asawa, sumunod si Vice Governor Ericson L. Felipe at ang kanyang asawa at ang panauhin na si Baguio City mayor Benjamin B. Magalong kasama si Tuba Mayor Clarita Sal-ongan.

Bago isinagawa ang magkakasabay ng “Bunong & Owik”

Ang tema sa taong ito ay, “A People’s Festival of Culture, Nature and the Future,”  Photos by:  Mario Oclaman // FNS

Mario Oclaman