Food Storage Tips

Mona Louela O. Raquipiso

Madami ang nagtatanong kung paano pa ang ibang paraan para mag imbak ng gulay at pagkain para matagal masira o mabulok. 
Tuwing may handaan marami ang natataranta sa pagluluto kaya’t kung minsan merong mga hindi nailalagay ngunit nahiwa na o kaya’y may mga sumusobrang gulay, basahin sa ibaba ang mga kaunting kaalaman.

Foil Wrapping – ibalot sa foil ang gulay at isilid sa chiller, aabot ang pagkasariwa ng mga gulay ng isang linggo sa ganitong pamamaraan.
Cling Wrap – ang cabbage, lettuce at cucumber ay hindi tumatagal sa refrigerator kaya mainam na ito ay balutin ng cling wrap, basta hindi basa ang mga gulay bago ibalot tiyak tatagal ang pagkasariwa ng mga ito.
Ziplock – gumamit ng zip lock para sa pagtarya ng mga karne o giniling, pwedeng hatiin ang isang kilo sa tig 1/4 nang sa ganun pag naisipang palambutin ang kaunti lamang upang pangsahog ay hindi mapipiliting palambutin ang buong isang kilo.
Ibabad sa garapon – balatan at hiwain ang carrots pagkatapos ay isilid sa garapon na may tubig. Pagkatapos ay ipasok sa refrigerator. Pagkalipas ng sampung araw, sariwa at malutong pa rin ang mga nahiwa na carrots.
Ibabad sa oil  – ang mga bawang na nahiwa at hindi nagamit ay pwede pang itabi at nang magamit pa sa susunod na paggigisa, pinuhin lamang ang mga bawang pagkatapos ay ibabad sa olive pagkatapos ay isilid sa refrigerator.


Ito lamang ay ilan sa mga tipid tips na maaari nating gawin nang sa gayon ay walang nasasayang o naitatapon.

Laging tandaan, “Lahat ay may remedyo dahil bawat bagay ay may halaga”.